Like BESTIES on Facebook

Besties On the Go

Tuesday, December 27, 2011

Naknam putsa naman o!!! (Parang true to life na hindi nman)

I wrote this 6 yrs ago. It just happened that i was browsing my old file when I saw this again. This is in Tagalog and content is not suitable for very young readers. Parental guidance is advised :p Some specific details happened to me; but not the entire story.

 Una sa lahat, ginagawa ko to kase wla lang akong magawa. Ok, back to my topic, ano nga ba yun?? ah!!! ok <bad words>. Naranasan nyo na bang maging lalaki tapos me puso ka palang babae, pero babae ka nman tlaga? Anlabo noh?! Well, it happened to me.. Nung Grade three ako, ang mga kalaro ko eh puro lalake, eh pano nman kse nag-iisang anak lang ako at ang tatay ko frustrated tatay ng lalaking anak.. Eh, sorry cya me 'v' ako eh. Pero dahil dun, tinuruan nya ako ng mga larong panlalake, at ang alam ko yung mga binibili ng mama ko na dolls, at stuffed toys eh pan-display sa bahay. Ayun,lahat ng mga kalaro ko eh boys, kse yun ang mga alam kong laruin, gaya ng tumbang-preso, kalog-tantsan, goma (pinaglaga pa ko ni ermats nito, kse ayaw kong matulog sa tanghali dahil nag-gogoma pa ako eh). Ayun! me nakalaro akong klasmyet ko, namputsa! ang guapo, mestiso na grabeng pumorma.. take note grade three lang ako nun ha! tapos naging crush ko cya, kaso nakakaasar kse tingin nya sken lalaki. 


Tuwing umaga, maaga akong pumapasok para mabigay ko sa kanya yung poem ko.. empre di pde nyang malaman na ako yun noh! secretly, nilalagay ko sa ilalim ng desk nya, tapos lalabas ako, kunwari magc-cr, para hindi nya ako mapagsuspetsahan. Ayun, mga two weeks akong mukhang gagung ganun! Tapos, one time, nahulog yung poem ko for him kse tanga-tanga nya, bigla nyang hinila ang notepad nyang naiwan ng isang araw, nakita ni titser!! wapang!! tanggalis yan, bakit ba ang titser ang galing manghula kung kaninong penmanship ano?? Ayun, sbe ba nman ni tistser sken.. alam mo pag gusto mo ang tao, dapat lumalantad ka hindi pabigay-bigay ka ng poem.. tska bata ka pa para mag-icip ng ganyan. Dedma ako kunwari! pero super-buking! Sbe nung crush ko , "ANO KA BA?? BAKLA KA BA?? EH LALAKI KA! BAT KA ME GUSTO SKEN??!!" Tangna, para akong dinagukan ng tatay ko sa sakit.. wapang tlaga wapang!!! Pero, lumusot pa din ako, sbe ko 'LAM MO DI SKEN YAN! PINAGAWA YAN SAKEN NG SECRET ADMIRER MO TAPOS PINAKIKIBIGAY LANG SKEN NOH!!" empre, tinanong nya ko kung cno.. ansagot ko empre 'SECRET!" haay, kala ko lusot na ko kse di na nagtanong.. 

Kinabukasan, hinihingi nya sken yung 'poem for the day nya' tangna, cyempre di na ko gumawa noh, ano bale.. pero mali pla yun! sbe ko ah eh di na cya nagpagawa sken kse nalaman nya ang nagyari kahapon.. sbe nya sken, 'alam mo pag di mo cnabi sken kung cno, malamang ikaw lang yun, yaiiikks!! kadiri, lalaki me gusto sa kapwa lalaki!!' tangana! kung pede ko lang dagukan yung lintsak na yun, ginawa ko na, gusto ko sanang sabihin sa kanya na 'hoy!!! di mo ba nakikita na ang school uniform ko eh green na palda at hindi shorts na khaki' tanga!!!" pero di ko yun masasabi noh! unang-una, di ko pa alam ang word na 'khaki nun' ampanget nman kung sasabihin ko, hoy, wla akong salawal anoh, me palda ako!! am baduy! Empre, kelangang lumusot na nman ang lola mo.. sbe ko 'Gagu hindi ako noh! C ano.. C kuwan.. C Lorelie (pangalan ng bespren ko na Grade 6 na)." ayun tinantanan nya ako.. wish ko lang wag malaman ni Lorelie noh! 

Ang kaso, the following day, ayun na ang kumag.. dumidisplay sa bespren ko.. akalain mo ba nmang pumunta pa cya sa line ng grade-6 sa flag ceremony para lang sbihin ke lorelie, 'Hoy, bat mo ko crush ha?! sbay sbeng kadiri ka, andami mong taghiyawat tapos me crush ka sken!" I swear wla na akong gusto sa kanya that point in time.. letse mas BADING pa cya sken noh!!!Empre ang Lorelie, di nagpatalo, kase unang-una, hindi nya tlaga crush yun, pangalawa alam nya na ako me crush dun!! Sheeytt!! Nagkabukingan in short, tapos parang gusto ko nang wag pumasok nun. Andung me lagnat ako, lahat na lang ng sakit kung pwede maramdaman ko na, para lang wag makapasok.. Kaso di nakikisama ang thermometer ni ermats, kahit pa sinawsaw ko na sa mainit na tubig bago ko isubo, di epektibo ang langya, normal temp pa din!! mga two weeks di ako pumasok! Wish ko makalimutan na nila ang lahat, tapos wla ng makakilala sken.. 

Dapat gagawin kong three weeks ang pag-absent. Ang kaso, sbe nung klasmeyt kong kapit-bahay kung , pupuntahan na daw ako ng titser kong magaling manghula ng penmanship (malamang kung buhay pa yun, madali nung nasolve ang issue ng Velarde account ni ERAP). Sa loob-loob ko patay!! baka isumbong ako sa mama ko, eh di hindi lang nilagang goma ipapakain ni ermats sken nun, kaya hayun pumasok din ako.. 

First day after 2 long weeks na absent... Kunwari me saket pa din ako, tapos naghanda na ako ng sasabihin ko ke kumag (ex-crush) tska sa mga klasmeyts ko.. nga pla di na ako kinikibo ng bespren kong, c lorelie.. Pagkakita sken ng kumag, sbe ba nman ' Oy, Bheng, asan ang loveletter ko?" sbay tawa ng malakas.. tangna! lahat ng prinaktis ko na sasabihin sa kanya nawala.. ang nasabi ko lang eh.. 'Gagu!! di Loveletter yun, poem lang yun noh!!" pero kung babasahin mo ang content tlagang love letter.. WAPANG!! humirit yung isa pa nmeng kalaro na lalaki.. 'oi, Bheng bakit ako wlang Poem? Bakit siya lang ang meron?" Cguro gusto mo cyang maging syota noh?! Grabe, namula ako ng husto, buti dumating ang titser ko at nag-ala referee sa paiyak na ako at sa paiyak sa katatawang SILA!! Mga tatlong linggo din akong tampulan ng tuksuhan dahil sa kalandian ko.. after that,pinangako ko na hinding-hindi na ako magpapadala ng poem at kahit gumawa, hindi na.. at iisipin ko palagi na lalaki ako at hindi babae, kahit pa me ' v' ako!! (ano ang nangyari after this?) Subaybayan.. sa numero unong basahin; ang LIWAYWAY KOMIKS! hahahha



4 comments:

  1. hahaha... ang kulet :) at ang cute :) napaka pure ng feeling mo :) gusto ko mabasa ang sinulat mo don sa poem mo. hehehe funny!

    grabe ang bata mo pa noon pero ang dami dami dami mo nang iniisip. hehe

    ReplyDelete
  2. actually.. napagnilayan ko lang yan matanda na ako hehehhe.. iba nung bata ka pa.. puro iwas gulo.. tska me parts na altered hahahhaa.

    yung mga poems; di ko na alam; malamang tinapon na ng kumag hahahha.. di pa uso xerox nun eh kaya walang kopya hahhaha.

    madami pa din meng ginawang poem after that pero tungkol na sa life at politics.. kase nung high school puro tanong na ako sa life at nung college radical na ako hahahha..

    ReplyDelete
  3. innate pala sayo ang writing kahit nung bata ka pa. :)

    ReplyDelete
  4. papa ko mahilig gumawa ng tula.. even when i was young; he recited his poems to me..

    Si mama nman mahilig gumawa ng kwento at pang-debate..

    so, malamang namana ko sa kanila :)

    ako iba lang ang style.. sila uber makaluma.. ako minsan me kagaguhang lumalabas sa sulat hahahha

    ReplyDelete